Agricultura: Paghahalaman at Paggugubat
https://tonite.abante.com.ph/pagsasaka-ng-mga-dumagat-sa -kabundukan-pinauunlad-ng-antipolo-lgu-at-zep/ |
Ang agrikultura ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga tanim o halaman. Ito ay binubuo ng apat na subsectors tulad ng paghahalaman, paggugubat, pangingisda, at paghahayupan. Ito ay mahalaga dahil ito ay pinagmumulan ng mga hilaw na materyales, pinanggagalingan ng dolyar, nagkakaloob ng hanapbuhay at tagabili ng mga produkto ng industriya.
-Karl Dave
https://www.emirates247.com/eb247/banking-finance /investment/gulf-states-plan-farm-projects-in- philippines-2009-06-22-1.26219 |
Ang Paghahardin ay nakakarelaks ng ilang mga tao. Ang ganitong
mga gawaing pababa sa lupa tulad ng paghuhukay sa dumi, paghila ng mga damo, at
paghati sa irises ay nagbibigay ng iba pang pangalawang pagsabog ng enerhiya.
Ang ilang mga tao ay lumalagong dahil sila ay umibig sa isang partikular na
grupo ng mga halaman. Napagtanto ang potensyal ng kita at kahalagahan ng mga gulay sa diyeta ng mga Pilipino, sinimulan ng pamahalaan ng Pilipinas ang iba't ibang mga programa tulad ng sumusunod: ang proyektong Share for Progress na nilikha noong 1968, Gulayan sa Kalusugan noong 1975, Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran noong 1981, at Sariling Sikap sa 1983. Ang mga pambansang pagsusumikap na ito ay nakumpleto nang medyo sa pamamagitan ng magkatulad na pagsisikap sa pananaliksik at pag-unlad ng gulay. Ang programa ng hardin, gayunpaman, ay nagbilang ng iba't ibang mga problema at na ang dahilan kung bakit dapat nating gawin ito at mapanatili itong buhay.
-Sam Toribio
https://www.rappler.com/nation/61789-price- hike-rice-imports |
Ang Paghahalaman ay isang gawain ng pagpapalago ng isang halaman sa kadalasang ginagawa sa labas o loob ng bahay. Ang Paghahalaman ay maganda para sa pagpapabuti nt pagpapaunlad ng mga likas na yaman. Ang paghahalaman ay maaring tumutukoy sa pagtatanim ng mga puno at halaman na makakatulong sa pagregulate ng temperature at maging ng lupa sa isang lugar. Ito rin ay maaring tumutukoy sa mga gulay na dahilan sa paghahalaman ay makatulong upang mapunan and demand at supply hindi lamang sa pamamayanan kundi maging sa ating pamilya. Nagdudulot ng maganda ang paghahalaman kasi magpapaganda ng kaliksan, nagpapalinis ng simoy ng hangin, nagpapaganda rin ng kapaligiran na nakatutulong sa pagsugpo ng populasyon, at higit pa sa lahat ang pagtatanim ng halaman ay kawili-wiling libangan.
-Kaye Marie
http://magahisynna.blogspot.com/2017/03/ ano-nga-ba-ang-agrikultura-ang.html |
Ang pagtotroso ito ang paraan ng
pagpuputol ng matatandang puno. May iba't iba namang klase ng pagtotroso ang
"illegal" at "legal". Ang illegal ito ang paraan na walang
paalam sa mga pinuno, ang legal naman ito ang mga taong pinapayagan na magputol
ng matatandan na. Ang mabilis na pagkasira at pagkaubos ng mga punong kahoy sa
kagubatan ay isang malaking suliranin. Nakakalbo ang kagubatan bunga ng walang
pakundangang pagputol sa mga puno. Umaabot sa punto na sinasamantala o inaabuso
ng mga tao ang pagputol sa mga puno at may mga tao na kinukuhanan ng pera. Ang
kahalagahan ng puno ay walang kasingtumbas lalo na sa panahon ng kalamidad,
naiiwasan nito ang pagbabaha dahil ang ugat nito ang siyang sumisipsip sa mga
tubig.
-Sheena Mae
http://comendadorhayag.blogspot.com/2017/ |
Ang pagtotroso ay ang
pagputol, pagkalso, pagproseso, at pagkarga ng mga puno o troso sa mga
trak. Sa panggugubat, ginagamit ang katawagang pagtrotroso sa isang limitadong
pananaw na may kinalaman sa lohistika ng
paglipat ng kahoy mula
sa tuod patungo sa labas ng gunat, kadalasang isang lagarian o patyo ng mga kahoy. Pinagkukunan
ito ng mga sangkap para sa paggawa ng gamut. Pinagkukunan ito ng mga materyales
para sa paggawa ng bahay at muwebles nagsisilbi itong tirahan ng mga wildlife.
Pinagkukunan ito ng mga hilaw na materyales upang makapagmanupaktura ng papel
at iba pang kagamitan. Nagsisilbi itong proteksiyon ng mamamayan laban sa
malalakas na hangin bunga ng bagyo. Nagsisilbi itong natural na imbakan ng
tubig. Sinasabing mahirap pagsabayin ang kaunlarang pangkabuhayan at
pangangalaga sa kapaligiran (environment vs. development). Ang walang habas na
pagputol ng puno sa kabundukan ay katumbas ng malaking salaping salapi dulot
nito sa kabuhayan ng mga taong umaasa rito. Ang kalikasan ay isang biyaya na
ipinagkaloob ng Diyos sa atin. Dito tayo kumukuha ng ating mga pinagkukunang
yaman, tulad ng pagkain, tubig, at mga kagamitan para sa ating pang-araw-araw
na pamumuhay. Lahat ng mga kailangan natin ay sa ating kalikasan nangagaling.
Tumutulong din ito para mapanatiling sariwa ang ating hangin. Nagsisilibi rin
itong tirahan sa mga ligaw na hayop at halaman. Halos kalahati sa ating mga
pangangailangan o kagamitan sa ngayon ay galing sa kalikasan. Ngunit, masakit
isipin na ang kalikasan na ating pinahahalagahan ay unti-unti nang nawawala.
Ang tanong, nasaan? Ito ay unti-unting nagbabago. Tayo, tayo ang nagpapabago sa
takbo ng ating kalikasan ngayon. Ang problemang ito ay hindi lamang nakakasama
sa atin, kundi pati na yung ibang mga nilalang na may buhay. Ang sanhi ng
pagkasira sa ating kalikasan ay halos laganap na sa buong mundo. Kailan pa tayo
kikilos? Kung huli na ang lahat? Paano na ang susunod na henerasyon? Naniniwala
ako sa kasabihan na isinusulat ng isang kauna-unahang syentipiko at
manunulat,na si Rachel Carson,” no organism in biological history has survived
for long if its environment became in some way unfit for it. But no organism
before man has deliberately polluted its environment.”
-Raeven Llavan
No comments:
Post a Comment